Iginiit ni Senadora Leila De Lima na may bahid pulitika ang mga kasong isinampa laban sa kaniya ng Department of Justice o DOJ.
Ito ang dahilan ayon kay De Lima kaya’t naghain na siya ng mga mosyon sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) para ibasura ang mga nasabing kaso na may kinalaman sa illegal drug trade.
Ayon kay Ferdie Maglalang, Chief Media Officer ni De Lima, naghain sila ng motions to quash, hold in abeyance the issuance of a warrant of arrest at motion for judicial determination of probable cause.
Magugunitang kinasuhan si De Lima dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade at pagtanggap nito ng pera mula sa mga drug lord na nakapiit sa NBP o New Bilibid Prisons.
By Jaymark Dagala