Nais ng mga senador mula sa Liberal Party o LP na ipa-review ang mga kasunduang pinasok ni Pangulong Rodrigo Duterte sa China.
Ito’y kinabibilangan ng bilyun-bilyong dolyar na foreign aid ng China at gayundin ang joint coast guard cooperation activities sa West Philippine Sea.
Ayon kina LP senators Bam aquino, Leila de Lima, Frank Drilon at Kiko Pangilinan, maraming nakataya sa pakikipag-alyansa ni Duterte sa China at Russia, kasama na rito ang claims ng Pilipinas sa rehiyon at kapakanan ng mga Filipino workers sa ibang bansa.
Sa joint statement ng mga senador, iginiit na dapat malaman ng publiko ang official position ng administrasyon at kung paano ito nakakaapekto sa Pinoy na naninirahan sa iba’t ibang panig ng mundo.
By Jelbert Perdez
Photo Credit: AP