Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na igagalang ng Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng pinasok nitong kasunduan sa Amerika tulad ng Mutual Defense Treaty at iba pa.
Nilinaw ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay na nangangamba lamang ang Pangulo na buweltahan ng Abu Sayyaf ang mga Amerikano sa Mindanao kayat nasabi nyang dapat nang umatras doon ang tropa ng Amerika.
Sa katunayan, sinabi ni Yasay na patungo siya ngayon sa Estados Unidos para makipag-ugnayan sa kanyang counterparts at mapatatag pa ang alyansa ng dalawang bansa.
Bahagi ng pahayag ni DFA Secretary Perfecto Yasay
“He was concerned about the safety of his people, in-emphasize niya I will respect all agreements with the United States, I will keep the commitments with every other nations, with the international organization, the international community, binanggit niya na that will not change, these treaties have been ratified by the Congress and the President cannot also do it on his own.” Pahayag ni Yasay.
By Len Aguirre | Ratsada Balita