Nakatakdang maghain ng resolusyon si Senadora Leila de Lima para imbestigahan ang mga pinasok na kasunduan ng Pilipinas sa China.
Ito’y sa harap na rin aniya ng mga ulat hinggil sa kaduda-dudang mga Chinese companies na posibleng humawak sa mga major infrastructure projects sa bansa.
Nangangamba si De Lima na may kapalit ang mga pautang na iginawad ng China sa Pilipinas tulad ng pagpapasok ng puhunan na mas kilala bilang tied loan.
Binigyang diin pa ng Senadora na labag sa saligang batas ang tied loans kahit pa ikatuwirang executive agreement ang pinasok ng China sa Pilipinas para hindi na dumaan pa sa proseso tulad ng bidding.
By: Jaymark Dagala / Cely Bueno