Napabilang sa ikatlo at kasalukuyang edisyon ng Oxford English Dictionary ang ilang salitang nagmula sa Pilipinas.
Ilan sa mga ito ay ang mga salitang Bongga, Despedida, Gimmick, Halo-Halo, Kikay Kit, Kilig, OFW o Overseas Filipino Worker, Pandesal at Trapo.
Gayundin, pinalawak ng Oxford ang kahulugan ng ilang mga salitang Pilipino sa ingles.
isinagawa ito sa pagdaraos ng isang event na nagdiriwang ng pagiging kakaiba at malikhain ng Philippine-English na ginanap sa embahada ng Pilipinas sa United Kingdom.
Batay sa Oxford English Dictionary, nangangahulugan ang Bongga sa english extravagant, flamboyant, impressive at stylish; Halo-halo bilang isang klase ng dessert na may kinayod na yelo, iba’t ibang prutas, gatas at sweet beans at Kilig bilang exhilartion or elation o tuwang dulot ng pag-ibig.
Pinalawak din ang kahulugan sa english ng Gimmick o paglabas o night out kasama ang mga kaibigan at Viand na nangangahulugan ng lutuing karne, lamang-dagat o gulay na ipinapares sa kanin na karaniwang pagkain ng mga Filipino.