Ibinunyag ng high profile inmate na si Jaybee Sebastian ang iregularidad at katiwalian sa loob ng New Bilibid Prison o NBP.
Ayon kay Sebastian, nasa halagang 100 milyong piso ang mga iligal na transaksyon ang nagaganap kada araw sa loob ng Bilibid.
Maliban dito, labas masok din ang iligal na droga sa Bilibid na sinasabing mula pa sa China at North Korea.
Bahagi ng pahayag ni NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
Sinabi ni Sebastian na dumating din sa punto na naging sunud-sunod ang pag-raid ng mga awtoridad sa bodega ng mga Chinese drug lord sa labas ng Bilibid.
Hindi rin idinedeklara ng mga awtoridad ang tunay na halaga at dami ng mga nasasabat na iligal na droga bagkus ito aniya ay pinaghahatihatian ng grupo ng high profile inmate at kay retired Police Chief Inspector Clarence Dongail at mga tinaguriang ninja cops.
Inihayag ni Sebastian na malaking porsyento ng mga nasasabat na iligal na droga ay ibinebentang muli ng ninja cops sa publiko dahilan upang lumaganap aniya ang illegal drugs sa Pilipinas.
Bahagi ng pahayag ni NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
Dahil sa mga nalalaman niyang ito, naniniwala si Sebastian na ito ang naging dahilan kayat inatake silang mga inamate ni Dongail na humantong sa pagkakapatay kay Tony Co.
Bahagi ng pahayag ni NBP high profile inmate Jaybee Sebastian
By Ralph Obina