Dagsa ang mga Katoliko sa mga simbahan ngayong Palm Sunday o Domingo de Ramos hudyat ng pagbubukas ng mga Semana Santa o Holy Week.
Alas-4:00 pa lamang kaninang umaga, matyaga nang naghihintay ang mga mananampalataya sa Sto. Domingo Church sa Quezon City para paghandaan ang pagbabasbas ng mga palaspas.
Hindi rin mahulugang karayom ang mga nagsimba sa Sto.Niño Basilica sa Cebu kung saan, halos magkulay berde ang paligid dahil sa mga palaspas na dala ng mga deboto.
Pinangunahan naman ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang blessing of the palm sa Manila Cathedral pagputok ng bukang liwayway.
Samantala, nagpalabas naman ng Instagram video si Pope Francis kung saan, sinabi nito sa wikang latin na nais niyang sumama sa paglalakbay ng lahat patungo sa habag at awa ng Diyos.
By: Jaymark Dagala