Hinimok ng Simbahang Katolika ang lahat ng mga mananampalataya nito na sundin, paniwalaan at gawin kung ano ang tama.
Ito’y sa harap na rin ng magkakasalungat na pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga pari at obispo ng Simbahang Katolika.
Magugunitang ibinunyag ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na nakatatanggap siya ang iba pang mga pari ng banta sa kanilang buhay mula sa isang nagpapakilalang tauhan umano ng pangulo.
Sa panayam ng DWIZ kay Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Public Affairs Committee, dapat aniyang manaig sa bawat isa ang tama at totoo sa bawat salitang binibitiwan lalo na ng pinakamataas na pinuno ng bansa.
Una rito, itinanggi mismo ng pangulo na tauhan niya ang nagbabanta kay david at sa ilan pang mga pari sabay pagbabanta sa mga ito na siya ang makakalaban kapag ginalaw o kinanti ang mga alagad ng simabahan