Dapat magmahalan ang mga katoliko sa Holy Week.
Ito ang payo ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bago magsimula ang semana santa sa Marso 24,
Ayon kay Archbishop Villegas, dapat iparamdam ng mga katoliko ang kanilang pagmamahal sa pamamagitan ng ngiti at pagpapakita na ang Diyos ay pag ibig.
Dagdag pa ng arsobispo, magdanda mag-fasting, ngunit kung walang malasakit, balewala ito, at ayos lang ding manalangin, pero kung hindi inaalala ang iba, maituturing lang itong ‘ego,’
Binigyang diin pa ni Archbishop Villegas na magandang tumulong sa mahihirap, ngunit kung ginagawa lang ito para makakuha ng gantimpala, kahalintulad lang ito ng isang maingay na kampana. – sa panunulat ni Charles Laureta