Hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na lumahok at makiisa sa gagawing penitential walk sa Biyernes Santo, Abril 14.
Layuning ng nasabing programa na mapagnilayan ng mga Katoliko ang buhay ni Hesukristo at ipanalangin ang kabanalan ng mga mananampalataya.
Magsisimula ang penitential walk alas-4:30 ng madaling araw sa nasabing petsa na magsisimula sa Baclaran Church patungong Manila Cathedral.
Pinapayuhan din ni Cardinal Tagle ang mga lalahok na magdala ng transistor radio upang malinaw na mapakinggan ang mga pagbasa at panalangin na isasahimpapawid sa Katolikong himpilan na Radyo Veritas.
By Jaymark Dagala