Ipinagdiriwang ngayon ng mga Katoliko ang Easter Sunday o ang muling pagkabuhay ni Kristo.
Dinagsa ng mga mananampalataya ang iba’t ibang simbahan sa buong bansa upang ipagpasalamat ang mga biyayang ibinigay ng Panginoon at ang pagtubos sa ating mga kasalanan.
Sa kanyang Eastern Sunday Mass, ipinaalala ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na ang pag-asa ay hindi lamang umiiral nuong panahon ni Kristo kundi maging sa kasalukuyan at pang-araw araw na buhay ng mga tao ngayon.
Iginiit ni Cardinal Tagle na ang muling pagkabuhay ni Kristo mula sa kamatayan ay pagkakataon para sa mga Katoliko na panatilihin at isabuhay ang kanilang misyon na magbigay ng pag-asa sa buong mundo.
Samantala , nanawagan si CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Socrates Villegas ngayong linggo ng pagkabuhay na ibalik ang pagmamalasakit, pakikipagkapwa tao at paggalang sa karangalan ng dignidad ng bawat isa.
Ito aniya ang tunay na pagsasabuhay ng mahal na araw.
Bago ito, isinagawa kaninang madaling araw, ang tinatawag na “Salubong”.
By: Meann Tanbio
Mga katoliko ipinagdiriwang ang Easter Sunday was last modified: April 16th, 2017 by DWIZ 882