Hinikayat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga grupo ng katutubo partikular na sa mga Aeta ng Zambales na maghain ng reklamo.
Ito’y kung talagang ginagawan sila ng masama ng mga sundalong nakatalaga sa 7th infantry division ng Philippine Army na nakabase sa lugar.
Ayon kay AFP Spokesman Marine M/Gen. Edgard Arevalo, dapat ipaalam ng mga nagrereklamo sa AFP units ang kanilang hinaing kalakip ng dokumento na nagpapatunay sa paglabag.
Nag-ugat ang reklamo sa ulat ng Sandugo – Movement Moro and Indigenous People’s for Self Determination na tinu-torture umano ng mga sundalo ang mga Aeta at pinapasabog umano ang kanilang komunidad.
Pagtitiyak ni Arevalo, hindi kailanman kukunsintehin ng AFP ang mga paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo kung totoo man.
Pero sinabi ni Arevalo na tatlong indibiduwal ang naaresto ng mga sundalo sa komunidad ng mga katutubong Aeta kamakailan na pawang mga miyembro ng New People’s Army (NPA).