Target ngayon ng Bureau of Customs o BOC na magbawas ng kanilang mga tauhan sa kalagitnaan ng susunod na taon.
Bahagi ito ng kampaniya ng pamahalaan upang supilin ang talamak na korapsyon sa nasabing ahensya.
Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, sobra-sobra na aniya ang dami ng kanilang mga tauhan kaya’t napapanahon na upang i-akma ito.
Sa kasalukuyan, mayroong 4,400 tauhan ang BOC gayung ang tamang bilang lamang dapat ay nasa 2,200.
Kasabay nito, inihayag din ni Lina na balak din nilang taasan ang suweldo ng kanilang mga kawani sa ilalim ng panukalang Customs Modernization and Tariff Act.
By Jaymark Dagala