Tumaas umano ang bilang ng mga kawani ng gobyerno na nadakip sa isinagawang buy bust operation noong 2017 kumpara sa nakalipas na taon.
Ito ay batay sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA kung saan lumalabas na tatlongdaan at isang (301) mga government worker ang kanilang naaresto para sa taong 2017, habang dalawangdaan at tatlongpo’t isa (231) lamang noong taong 2016.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, ang tatlongdaan at isang mga kawani ng gobyernong naaresto ay binubuo ng isandaan at dalawangpo’t siyam (129) na elected officials, dalawangpo’t pitong (27) uniformed personnel at isandaan at apatnapo’t limang (45) government employees.
Sinabi ni Aquino na bukod sa absolute perpetual disqualification sa anumang public office o puwesto sa gobyerno ay maaaring patawan ng Korte ng maximum penalty sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sakaling mapatunayan na sangkot ang mga naturang government worker sa iligal na droga.