Pinagbawalan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang gabinete at iba pang mga tauhan ng gobyerno sa pagsakay ng business class na eroplano lalo na kung official function ang patutunguhan nito.
Ayon sa Pangulo, hindi makatarungang lustayin ang pera ng taumbayan.
Binigyang – diin ng Pangulo na dapat economy class lamang ang bibilhing ticket ng mga opisyal ng gobyerno lalo na kung ang biyahe ay patungo ng Davao.
Sinabi pa ng Pangulo na bubusisiin niya ang ticket at aalamin sa kani-kanilang mga sekretarya kung magkano ang ginagastos sa biyahe ng kanyang mga opisyal.