Target ni National Action Plan Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon na maisama sa expanded targeted testing ng pamahalaan ang mga miyembro ng media.
Ayon kay Dizon, sa kanyang palagay ay dapat na ring ikonsidera bilang mga frontliners ang mga media personnel lalu’t maraming mga lugar na pinipuntahan ang mga ito para mag-cover ng mga istorya.
Dagdag ni Dizon, kinakailangang gawin ang testing kada dalawang linggo bilang pag-iingat na rin sa bawat pamilya at mga taog nakakasalamuha ng mga miyembro ng media.
Sinabi pa ni Dizon na kanila ring kakausapin si Senador Richard Gordon at ang Department of Health (DOH) para maging sagot na ng PhilHealth ang pagpap-test sa mga media personnel.
Nakatakdang isumite ni Dizon ang panukala sa DOH sa mga susunod na araw at umaasa aniya siyang maaaprubahan ito ng ahensiya.