Sa video na ito, mapapatunayan na si Bantay ay talaga ngang alertong nagbabantay sa kaniyang mga amo at to the rescue nang biglaang malagay sa alanganin ang buhay ng mga ito.
Ang buong kwento ng kabayanihan ng aso, eto.
Alas dos ng madaling araw nang pasukin ng tatlong lalaking kawatan ang isang farmhouse sa Gujarat, India na pag-aari ng farmer at supplier na si Amit Theba.
Inatake umano ng isa sa mga suspek si amit, pero nang matagumpay siyang makatakas mula rito ay agad niyang nilapitan ang alaga nilang aso na si Johnny.
Mapapanood sa isang CCTV footage kung paano tinanggal ni Amit ang pagkakatali kay Johnny, habang makikita naman ang isa sa mga kawatan na sinubukan pang pumalag mula rito.
Pero nang tuluyang makawala si Johnny, wala nang nagawa ang mga kawatan kundi tumakbo na lang papatakas.
Sa kabutihang palad ay walang napahamak sa pamilya ni Amit at ligtas na nakalabas ang mga ito para i-report sa Tankara Police Station ang insidente na posibleng personal na hidwaan ang dahilan.
Mabuti na lang at agad na na-pick up ng german shepherd na si Johnny ang signal na mayroong masasamang loob sa kanilang teritoryo at tila handang-handa na sumugod sa mga ito.
Dahil sa nag-viral na video ay inulan ng papuri mula sa netizen ang katapangan at matagaumpay na pagtatanggol ng aso sa kaniyang mga amo at itinuturing pa na local hero ngayon.
Samantala, ginamit naman ang CCTV footage para tukuyin ang mga nanghimasok sa farmhouse.
Ikaw, ite-train mo rin ba ang alaga mong aso katulad ni Johnny na maging alerto sa panganib?