Nakagawa ng face shields gamit ang bamboo o kawayang tinik ang mga Forest Products Research and Development Institute (FPRDI) ng DOST.
Ayon sa DOST ang mga nasabing face shields na ang frame ay gawa sa kawayan ay para sa mga frontline workers sa Laguna.
Ipinabatid ni DOST FPRDI Director Romulo Aggangan na malaking hamon sa kanila ang pagbili ng mga supply dahil sa enhanced community quarantine (ECQ) kaya’t nag improvise na lamang ang kanilang team ng mga materyales para makagawa ng face shield.
Naipamahagi na aniya ang 300 face shields sa ilang barangay at rural health units sa Los Baños at bay sa Laguna gayundin sa UPLB.
Tiniyak ni Aggangan ang paggawa pa ng mas maraming face shields ng kanilang team na kinabibilangan nina Froilan Samiano, Audel Mosteiro, Noel Medrano, Val DV Valderama At Cesar Austria.