Dumagsa pa ang maraming kandidato sa Commission on Elections (COMELEC) sa huling araw ng paghahain ng COC o certificate of candidacy.
Kabilang sa mga naunang nag-file ng COC bilang senador ang kilalang broadcaster na si Rey Langit na tatakbo sa ilalim ng UNA, OFW advocate Susan ‘Toots’ Ople, dating Energy Secretary Jericho Petilla, dating SAF Chief Getulio Napeñas, Manila Vice Mayor Isko Moreno, Edu Manzano, Atty. Levito Baligod, Joel Villanueva at Congressman Manny Pacquiao.
Naghain din ng COC sa pagka-senador sina Edu Manzano, Atty. Levito Baligod, Joel Villanueva, dating Akbayan Partylist Representative Walden Bello at Congressman Manny Pacquiao.
Ilan pa sa mga nag-file naman ng COC sa local level sina re-electionist Quezon City Mayor Herbert Bautista, re-electionist Taguig City Mayor Lani Cayetano, Jeremy Marquez at Enrico Golez bilang Vice Mayor ng Paranaque at Batangas Governor Vilma Santos bilang Congresswoman sa lone district ng Lipa sa ilalim ng Liberal Party.
Sumulpot din sa COMELEC office para maghain ng COC sa pagka-pangulo ng bansa si dating ambassador at OFW Family Partylist Representative Roy Señeres kasama ang running mate nitong si Bishop Ted Malangen ng Jesus Christ the Deliverer Church.
Nag-file rin ng COC sa pagka-senador sina sina Gerardo Antolin, Rolly Casino, Ricky Palauro, Fernando Diaz, Melchor Chavez at Jude Sabio.
Samantala, naghain ng COC sa pagka-alkalde ng Quezon City si DWBL broadcaster Alexander Lague at sa pagka-pangulo naman sina Romeo Cayabyab, Isidro Ursua, Romeo Barredo, Alexander Alimmudin Ali at Atty. Pedrito Tagle.
By Judith Larino