Ilan pang mga artista at kilalang personalidad ang naghain ng kanilang kandidatura kahapon.
Kabilang sa kanila ang dating aktor na si Daniel Fernando na muling tatakbo bilang Gobernador ng Bulacan, at tatakbong Vice Governor naman si Alex Castro.
Puntirya naman ng komedyanteng si Long Mejia na mahalal na board member ng unang distrito ng Bulacan.
Si Vandolph Quizon at ang magkapatid na Jomari at Ryan Yllana ay tatakbo namang konsehal ng Parañaque.
Tatakbo ring bokal ang singer-songwriter na si Lito Camo sa Oriental Mindoro.
Kakandidato namang konsehal ng Cavite ang dating ”goin’ bulilit” star na si Nash Aguas.
Target naman ni incumbent Vice Governor Jolo Revilla na mahalal bilang kongresista sa unang distrito ng Cavite.
Naghain na rin ng kanilang kandidatura sa Olongapo ang aktres na si Claudine Barretto bilang konsehal at talent manager na si Arnold Vegafria bilang Alkalde.—sa panulat ni Hya Ludivico