Mas lumalawak pa ang mga kilos protesta laban sa nagaganap na military coup sa Myanmar.
Ito ay sa kabila ng sunod-sunod na pag-aresto sa mga sumama sa mga demonstrasyon bilang pagpapakita ng suporta sa pinatalsik na lider ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.
Kabilang sa mga panibagong sumali sa Civil Disobedience Campaign ang grupo ng mga guro na tumanggaing magtrabaho o makipag-ugnayan sa kasalukuyang awtoridad.
Sinimulan ang kampanya ng mga doktor na unti-unting kumalat sa ilang tanggapan ng pamahalaan at nakakuha ng suporta mula sa partido ni Suu Kyi na National League for Democracy Party.