Posibleng imbitahan ng pamahalaan ang mga kinatawan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa gagawing ‘public consultation’ kaugnay sa peace process.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte at Presidential Peace Adviser on the Peace Process Jesus Dureza na mahalagang makuha muna ang suporta ng taumbayan bago isapinal ang kasunduang pangkapayapaan sa rebeldeng komunista.
Ayon kay Dureza , plano ng gobyerno na imbitahan ang mga kinatawan ng National Democratic Front of the Philippines para magsilbing resource persons sa gagawing konsultasyon sa publiko.
Gayunman , hindi pa masabi ni Dureza kung iimbitahan din si CPP-NPA Founding Chairman at NDFP chief Political Consultant Jose Maria Sison bilang resource persons.