Hindi dapat payagan ng pamahalaan na imbestigahan ng mga kinatawan ng International Criminal Court (ICC) Ang sinumang opisyal ng Pilipinas.
Ito ang binigyang-diin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile matapos payagan ng ICC ang hiling ng prosecutor nito na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa madugong war on drugs.
Ayon kay Enrile, bilang abogado ng pangulo, hindi niya kikilalanin ang kapangyarihan ng ICC dahil wala itong hurisdiksyon sa Pilipinas, makaraang kumalas ang bansa sa Rome Statute na nagtatag sa nasabing international tribunal.
Sa katunayan, dapat anyang ipaaresto ang mga ICC investigator na pupunta sa Pilipinas para silipin ang nangyari sa mga biktima ng giyera kontra droga.
Iginiit ng dating senate president na masyado ng nakiki-alam ang ICC sa usaping panloob ng Pilipinas at sa halip na agarang magdesisyon ay dapat munang humingi ng permiso para makapasok ang kanilang mga imbestigador sa bansa.