Kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Assistant Secretary Charles Jose na magpupulong ang mga kinatawan ng Pilipinas at Indonesia sa Biyernes, Hulyo 17.
Ayon kay Jose, kasama nila sa pulong ang kinatawan ng Department of Justice (DOJ) at ang Indonesian Attorney General’s Office at Minister of Law.
Sinabi ni Jose na kabilang sa mga inaasahang mapag-uusapan sa pagpupulong ang update sa kaso ni Mary Jane Veloso habang bibigyan din ng Pilipinas ng update ang Indonesia hinggil sa kasong isinampa sa mga recruiter ni Veloso.
By Katrina Valle | Allan Francisco