Idinepensa ng Malakanyang ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na agad sirain ang mga nakumpiskang iligal na droga sa mga operasyon sa loob ng isang linggo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang kinonsulta sa naturang usapin ang kaniyang kaklase sa law school na si Supreme Court Administrator Raul Villanueva.
Aniya, sinabi sa kanya ni Villanueva na nagkaroon na noon ng direktiba ang korte suprema na dapat sirain ang mga kumpiskadong mga iligal na droga kapag natapos na itong maimbentaryo.
Iginiit ni Roque, wala nang pangangailangan pa na itago bilang ebidensiya ang mga iligal na droga kung naimbentaryo na ito dahil ang investory report naman aniya ang gagamitin sa korte.
Binigyang diin ni Roque, magkaisa ang Pangulo at hudikatura sa layuning mapigilan ang pagrerecycle sa mga nakumpiskang iligal na droga.