Pagpapaliwanagin ng house committee on public accounts ang power companies na may utang sa Power Sector Asset and Liabilities Management (PSALM).
Sa pagdinig ng Komite na pinamumunuan ni Anak Kalusugan Party List Representative Mike Defensor sinabi ni PSALM President Atty Irene Joy Besido-Garcia na nasa P95-B ang pagkakautang ng iba’t-ibang kumpanya sa PSALM.
Ipinabatid ni Garcia na hanggang 2026 na lamang ang buhay ng korporasyon kapag hindi ito pinayagang magpatuloy ng gobyerno.
Kapag hindi aniya nabayaran ang nasabing utang ang taumbayan ang papasan nito pagkatapos ng buhay ng PSALM.
Karamihan sa mga may pagkakautang sa PSALM ay mayroong mga isinampang kaso sa Korte na nakabinbin pa.
Kabilang sa ipapatawag ng Komite ang may bilyong utang kabilang ang Manila Electric Company – P14. 9-B South Premiere Power Corporation ng San Miguel – P23. 9-B Northern Renewables Generation Corporation – P4.5-B FDC – P3. 7-B at Good Friends Hydro Resources Corporation – P1.2-B.
Bukod sa mga ito iimbitahan din ng komite sa kanilang pagdinig ang office of the Solicitor General.