Pagpapa-praktisan ng bagong attack helicopters ang mga komunista sa halip na arestuhin kapag hindi tumigil sa kanilang opensiba.
Ito ang banta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsaksi nito sa pagwasak sa mga nasamsam na mga armas sa Marawi City sa isang sermonya sa Fort Bonifacio Taguig City.
Ayon kay Pangulong Duterte, ang mga komunista ang mismong nagpapahirap sa mga Pilipino lalo na sa mahihirap na sektor gaya ng magsasaka, kaya aniya hindi siya naniniwala sa pinaglalaban ng mga ito na umanoy para sa bayan.
Binigyan din ng Pangulo ng ultimatum ang mga ito ng isang taon para umayos dahil kung hindi aniya’y magtutuloy-tuloy ang bakbakan at manganganib na mauubos sila.