Sinuspendi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang inilatag na mga kondisyon para sa makatatanggap ng 4P’s o Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa isla ng Boracay.
Ayon kay DSWD Undersecretary Emmanuel Leyco, ang pagtatanggal sa mga kondisyon ay upang mabigyan ng ayuda ang lahat ng mga apektadong residente sa pagsasara ng Boracay Island sa pamamagitan ng 4P’s.
Dagdag ni Leyco, bukod sa 4P’s, bibigyan din ng oportunidad ang mga residente at manggagawa sa boracay na makasama sa cash-for-work at sustainable livelihood program ng kagawaran.
Tiniyak din ni leyco na kanilang nauunawan ang matinding epekto ng pagsasara ng isla at kanilang patuloy na bibigyan ng tulong ang mga apektadong pamilya.