Tatanggalan umano ng Committee Chairmanship ang mga kongresistang sumasalungat sa Death Penalty Bill.
Sinabi ni Congressman Edcel Lagman na posibleng masibak sina Congresswoman Kaka Bag-Ao, Congressman Feliciano Belmonte, Congresswoman Hedenida Abad, at Congresswoman Josephine Sato.
Ayon kay Lagman, maninindigan umano ang mga nabanggit na mambabatas kontra death penalty at boboto pa rin sa plenaryo kahit pa matanggalan sila ng committee chairmanships sa kamara.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc