Nagpatawag ng pulong si Pangulong Aquino sa mga kongresista sa Palasyo ng Malacañang.
Maging ang mga nasa oposisyon ay kasama sa inimbitahan ng Pangulo sa pananghalian.
Wala namang inilabas ang Malacañang kung ano ang agenda ng pakikipagpulong ng Pangulo sa mga mambabatas ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Mayroong mga pending bill ang Malacañang na kailangang maipasa kabilang dito ang 2016 national budget na nakabinbin sa Bicameral Conference Committee, Bangsamoro Basic Law (BBL) at Salary Standardization Law (SSL).
Nababalam ang mga priority bills ng Palasyo dahil sa kawalan ng quorum sa mababang kapulungan ng Kongreso sapagkat hindi dumadalo sa session ang maraming kongresista.
***
Kaugnay nito, posibleng magkaroon na ng quorum para mapagbotohan at tuluyang maipasa ang BBL o Bangsamoro Basic Law (BBL).
Pananaw ito nina Congressman Carlo Nograles at Gary Alejano matapos magpatawag ang Pangulong Noynoy Aquino ng luncheon meeting sa mga kongresista.
Gayunman, kapwa pinaiiral nina Nograles at Alejano ang wait and see attitude matapos ang pulong sa Pangulo.
Sina Nograles at Alejano ay hindi nakiisa sa nasabing luncheon meeting.
By Aileen Taliping (Patrol 23) | Judith Larino | Jill Resontoc (Patrol 7)