Kinakailangan munang magpa-RT-PCR test ang mga kongresista at kawani ng Mababang Kapulungan bago ito payagang makapasok ng kani-kanilang tanggapan.
Ayon kay House Secretary General Jocelia Sipin, ang naturang hakbang na kanilang ipinatutupad ay bahagi ng kanilang mas pinahigpit na health at safety measures para masiguro ang kaligtasan ng mga papasok ng complex.
Kasunod nito, mismong si Speaker Lord Allan Velasco ang nanguna sa pagpapa-test nitong nakaraang linggo.
Obligado din ang mga bisita na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) antigen testing bago ito mabigyan ng access papasok ng Kamara.
Bukod sa pagkuha ng RT-PCR testing, kailangan pa rin ang pagsunod sa mga umiiral na pag-iingat laban sa posibleng pagkalat ng virus gaya ng pagsusuot ng facemask, face shield, pagdaan sa thermal scanners at iba pa.