Nag-aambagan na ang mga kongresista bilang dagdag na cash incentives kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.
Ayon kay House Deputy Speaker Mikee Romero target ng kamara na makalikom ng lima hanggang P10 milyong at nakapagbigay na ng P200K si House Speaker Lord Allan Velasco.
Nasa P4 milyon na aniya ang nalilikom nilang pera para ibigay kay Diaz at 40 kongresista na rin ang nangako ng cash incentive.
Kasabay nito, isusulong ni Romero kasama si Deputy Speaker Benny Abante para gawing tax free ang mga insentibong matatanggap ni Diaz.―ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)