Nagpaabot ng pakikiramay ang mga Kongresista sa pumanaw nilang kasamahan na si Batanes Rep. Henedina Abad.
Inalala nina Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo at Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang mga huling araw na nakasama nila si Abad na kanilang ka-partido sa Liberal.
Ayon kay Quimbo, nakipaglaban sa karamdaman si Abad na may tapang at integridad habang inihayag ni Baguilat na bago pa magkasakit ang Kongresista ay nagawa pa nitong turuan ang mga kasama sa LP sa mga issue tulad ng RH Law, anti-political dynasty at FOI bill.
Hindi naman makakalimutan ni Akbayan Rep. Tom Villarin si Abad na sinamahan sila sa pakikipaglaban sa death penalty bill kahit ang kapalit nito ay pagkawala ng kanyang committee chairmanship.
Ulat ni Jill Resontoc