Pormal nang kakasuhan ng mga kongresista si Senador Leila de Lima sa Senate Committee on Ethics.
Mamayang alas-2:00 ng hapon nakatakdang magtungo sa Senado sina House Speaker Pantaleon Alvarez, House Majority Leader Rodolfo Fariñas at Congressman Reynaldo Umali para ihain ang reklamo sa komite na pinamumunuan ni Senador Tito Sotto.
Ang reklamo ng mga kongresista ay kasunod ng isinagawa nilang imbestigasyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan itinuturong tumatanggap ng payola si De Lima.
Napag-alamang ang reklamong nakatakdang ihain ng mga kongresista ang ikatlong reklamo sa ethics committee na kinakaharap ni De Lima.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)