Mahigit isandaan na umano ang bilang ng mga kongresistang kontra sa BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ipinabatid ni You Against Corruption and Poverty (YACAP) Partylist Representative Carol Jane Lopez na nasa 117 kongresista na ang tutol sa pagpapatibay ng BLBAR o Basic Law for the Bangsamoro Autonomous Region.
Sa katunayan, sinabi ni Lopez na kung ipinagpilitan ang botohan kagabi, tiyak na mapapataob nila ang mga pabor sa panukala.
Inaasahan aniya nilang madadagdagan pa ang bilang ng mga tutol sa BBL at sa halip ay mas gusto nilang palakasin ang kasalukuyang batas hinggil sa ARMM o Autonomous Region in Muslim Mindanao.
By Judith Larino