Sinopla ng Malakanyang ang mga kritiko ng administrasyong Duterte sa gitna ng mga haka-haka sa posibleng dahilan ng nangyaring fishkill sa bahagi ng Manila Bay.
Sa kanyang naging press conference sa Baguio City, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pamahalaan ang insidente.
Kabilang na aniya rito ang posibilidad ng pananabotahe para lamang aniya siraan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Roque, kanilang ipinagtataka na kabilang sa nakitang patay na mga isda sa Manila Bay ang tilapia na isang uri ng isdang tabang.
Ani Roque, imposibleng mabuhaya aniya sa tubig-dagat ang tilapia.
Una nang sinabi ni Environment Undersecretary Benny Antiporda na hindi nila isinasantabi ang posibilidad ng pananabotahe sa gitna ng nagpapatuloy na rehabilitation project sa Manila Bay.