Halos sabay nagsagawa ng ‘Oplan Greyhound’ ang Bureau of Jail Management at PNP-Anti Illegal Drugs Group sa Manila at Quezon City Jails.
Kabilang sa mga nakumpiskang kontrabando sa dorm ang Manila City Jail ang mga baril, hinihinalang shabu na nasa tissue, mga baril, bala, cellphones, telebisyon, at mga kagamitan na puwedeng ipanghataw at ipanaksak.
Sumiklab naman ang tensyon sa pagitan ng mga Batang City Jail, BJMP at PNP-AIDG, makaraang ipadlock ng mga bilanggo ang gate ng kanilang dormitoryo.
Gayunman, nang maayos ang gusot at makapasok ang otoridad ay nagnegatibo rin ang resulta ng pag-galugad nila sa dormitoryo ng mga Batang City Jail.
Kumbinsido ang BJMP na delaying tactic lamang ng mga Batang City Jail ang maikling stand off upang maitago ang kanilang mga kontrabando.
Samantala, mga condom, flat screen tv, drug paraphernalias, chellphone chargers at iba pa naman ang nakuha sa mga dormitoryo ng mga bilanggo.
Ang Manila City Jail ay mayroong 4,000 bilanggo gayung 600 lamang di umano ang kapasidad nito samantalang lampas naman sa 3,500 ang nakapiit sa Quezon City Jail gayung nasa 800 hanggang 1,000 lamang ang kapasidad ng piitan.
By Len Aguirre | Jopel Pelenio (Patrol 17)