Pinagsabihan ni Senate Committee on Labor Chairman Joel Villanueva ang pamahalaan na iwasang maglabas ng mga kontrapelong pahayag bago muling buksan ang ekonomiya ng bansa sa gita ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa senador, hindi aniya makatutulong makahikayat ng mga mamumuhunan kung magiging reactive lamang ang pamahalaan sa sitwasyon sa halip na gumawa ng mga hakbang para labanan ang pagkalat ng virus.
Kabilang aniya sa mga baliktarang pahayag ng gubyerno ay ang pagpayag nitong makapunta ng mall ang mga menor de edad subalit pa rin naman pinapayagan ang mga ito sa face-to-face classes.
Giit pa ni Villanueva, kailangang handang-handa na ang bansa sa pagbubukas ng ekonomiya gayundin ang mga ospital sakaling tumaas muli ang mga kaso ng COVID-19.