Dapat busisiin ng Kongreso ang lahat ng kontratang may kaugnayan sa transportasyon at trapiko na papasukin ng Duterte Administration
Ito ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte ay kapag nabigyan ng emergency powers si incoming President Rodrigo Duterte para resolbahin ang krisis sa trapiko
Sinabi ni Belmonte na suportado niya ang pagbibigay ng Emergency Powers kay Duterte subalit dapat ay may duration ito o hanggang kailan lamang epektibo at isinusulong niyang malimitahan ang Special Powers ng 2 taon
Iginiit naman ni Ifugao Representative Teodoro Baguilat, Jr. isa pang miyembro ng Liberal Party na hindi dapat bitiwan ng Kongreso ang power of oversight nito sa mga government transactions kahit pa may emergency para resolbahin ang traffic crisis
By: Judith Larino