Tiniyak ng Pambansang Pulisya na hindi na mauulit pa ang mga nangyaring kontrobersiyang bumalot nuon sa PNPA o Philippine National Police Academy
Iyan ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde matapos ganap na mailipat sa pamamahala ng Pambansang Pulisya ang PNPA mula sa Philippine Public Safety College o PPSC
Kanina, pinangunahan ni NAPOLCOM Vice Chairman Atty. Rogelio Casurao ang Turnover Ceremony bilang kinatawan ni Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año sa Camp Castañeda sa Silang Cavite
Sa panayam sa kaniya, sinabi ni Albayalde na asahan na ang mga pagbabago sa pamamalakad ng PNPA ngayong ibinigay na sa kanila ang pamamahala rito
Hopefully, ma address din yung mga disfunctions dito (PNPA), particularly yung mga alleged maltreatment and hazing, at mga traditions na hindi naman dapat sinusunod dito sa PNPA,” ani Albayalde
Paalala pa ni Albayalde sa mga Kadete ng PNPA na sumunod sa batas dahil sila mismo ang magpapatupad nito sa hinaharap bilang isang ganap na Pulis
Mayo ngayong taon nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11279 na naglilipat ng kapangyarihan sa PNP na pamahalaan ang PNPA
Huling nabalot ng kontrobersiya ang PNPA nuong Oktubre ng nakalipas na taon na nagresulta sa pagkakasibank ng Tatlong Kadete nito makaraang masangkot sa Oral Sex Scandal
We will be firm in disciplining (PNPA cadets).. Alam naman nila kung makasuhan sila, they will be charged criminally, and also administratively…We will make them fully aware of that,” dagdag pa ni Albayalde