Pinag-aaralan ng liderato ng FIFA ang pagpapalawak ng World Cup Finals sa 48 na koponan.
Ipinaliwanag ni FIFA President Gianni Infantino na ito ay upang i-develop sa buong mundo ang football at ang World Cup, ang pinakamalaking event sa larangan ng naturang sports.
Sa panukala, 16 sa mga koponan ang pauuwiin pagkatapos ng isang knockout match, habang ang nalalabing 32 ay maglalaban sa group stage na susundan din ng knockout phase.
Sinabi ni Infantino na pag-uusapan pa ng FIFA Council kung ano ang wastong hakbang para sa 48 team championship at inaasahang sa 2017 ay kasado na ito.
By Katrina Valle