Pinaghahanap na ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine (BOQ) ang mga Korean na mula sa Daegu sa South Korea na lumapag sa Cebu noong Martes ng gabi, ika-25 ng Pebrero.
Ayon kay Dr. Terrence Bermejo, hepe ng BOQ sa Cebu, kasalukuyang hinahanap nila ang mga ito gamit ang impormasyon sa kanilang mga health declaration cards kung saan nakadetalye rito ang hotel o lugar kung saan sila naka-check in.
Ani Bermejo, ituturing na umano ang mga ito na persons under monitoring kaya’t kinakailangan na aniya nilang ma-quarantine sa loob ng 14 na araw sa kanilang mga silid.
Nabatid na mayroong 22 direct flights mula Daegu patungong Mactan, Cebu International Airport kada linggo.