Nangangailangan ngayon ng mga Justices ang Court of Appeals at Sandiganbayan.
Sa isang pahayag, sinabi ng Judicial and Bar Council na bukas na ang applications at recommendations para sa 1 Court of Appeals Associate Justice, 2 Sandiganbayan Associate Justice, 48 family Court Judge at 1 JBC Legal Education Board Regular Member.
Batay sa nasabing pahayag, mababakante ng isang posisyon ang Court of Appeals dahil sa compulsory retirement ni Justice Agnes Carpio sa a-Uno ng Disyembre.
Samantala, nangangailangan din ng 2 Justice na papalit kina Napoleon Inoturan na magreretiro sa Agosto a-1 at Jose R. Hernandez na magreretiro sa Nobyembre 22.
By: Avee Devierte