Maaari nang magpalabas online ng warrant of arrest ang korte.
Kasunod na rin ito nang paglulunsad ng PNP at Korte Suprema ng e-warrant system kung saan pinapayagan ng high tribunal ang digital na pag-transmit ng arrest warrant sa PNP na kanilang gagamitin sa pagdakip sa mga suspek.
Bahagi ito ng mga ipinatupad na pagbabago ng hudikatura simula nang magkaruon ng lockdown dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at kung saan una nang nagkaruon ng inquests at online court hearings.
Nuong Martes naman ipinalabas ang unang e-warrant na inisyu ni Judge Maria Gracia Cadiz-Casaclang ng Pasig RTC Branch 155 sa isang kaso ng qualified theft.
Target ang full implementation ng e-warrant bago magtapos ang taon kapag natapos na ang online training sa paggamit ng nasabing sistema ng 2,600 korte at halos dalawang libong police stations.