Nananatiling operational ang lahat ng mga Korte sa lalawigan ng Leyte matapos ang magnitude 6.5 na lindol.
Ipinabatid ito ni Court Administrator Jose Midas Marquez bagamat kailangang sumailalim sa structural assessment ang court buildings sa Tacloban City at Ormoc City.
Samantala bukas din ang Mga korte sa Laoang, Northern Samar at wala namang danyos na inireport ang mga hukom.
Kinailangan namang magtira ng skeletal force ng ilang korte sa Ormoc dahil walang supply ng kuryente rito.
Wala ring power supply ang mga korte sa bayan ng Kananga at maging sa Catarman, Northern Samar.
By: Judith Larino / Bert Mozo
Mga korte sa lalawigan ng Leyte nananatiling operational was last modified: July 8th, 2017 by DWIZ 882