Nakahandang akuin ng Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa mga krimeng inaakusa sa Philippine National Police (PNP) na mag-uugat sa kanilang giyera kontra droga.
Ayon sa Pangulo, pinaniniwalaan niya ang bersyon ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 8 kaugnay ng pagkakapatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa habang nakakulong sa Baybay City Sub Provincial Jail.
Gayunman, kung may ebidensya anyang magpapatunay na may pagkakasala ang mga pulis ay puwede naman silang sampahan ng kaso.
Binigyang diin ng Pangulo na ang deklarasyon ng giyera kontra droga ay nagmula sa kanya kayat inaako nya ang responsibilidad kung anuman ang kahihinatnan nito.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
War on drugs
Kasabay nito, inamin ng Pangulong Rodrigo Duterte na tila hindi niya kayang habulin ang lahat ng sangkot sa illegal drug trade sa bansa.
Ayon sa Pangulo, mayroon siyang inilalatag na susunod na hakbang sa kanyang giyera kontra droga subalit hiniling niya ang partisipasyon ng lahat para ibangon ang Pilipinas.
Inulit ng Pangulo ang kanyang babala na patungo o isa nang narco-politics nation ang Pilipinas at halos lahat anya ng barangay kapitan sa bansa ay sangkot na sa illegal drug trade.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Len Aguirre