Inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rodolfo Azurin Jr. na hindi kailangan ng oranisasyon na takutin ang mga kriminal.
Ayon kay Azurin, pinahahalagahan ng ahensya ang buhay at malinaw naman aniya sa patnubay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat tiyakin ang seguridad ng publiko.
Sakaling namang mangyari ang krimen, sinabi ni Azurin na ang PNP ay magsasagawa ng imbestigasyon, magsasampa ng kaso at magpapakulong sa mga suspek.
Una nang sinabi ni former PNP Chief at kasalukuyang Head ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Senator Ronald Dela Rosa na hindi na kinakatakutan ng mga kriminal ang mga pulis, na naging mas matapang sa paggawa ng krimen.