Pinaboran ng korte ng Malaysia ang isang babaeng Christian Malaysian na umapela sa pamahalaan kaugnay sa karapatan na gamitin ang salitang ‘Allah’ kahit na hindi kasapi ng relihiyong Islam o hindi isang Muslim.
Base kasi sa direktiba ng 1986 Home Ministry sa Malasyia, ipinagbabawal ang paggamit ng salitang ‘Allah’ ng mga hindi Muslim sa kahit anomang Malaysian language publications na maaaring magdulot umano ng pagkalito sa ilang mga Muslim.
Nag-ugat ang apela ni Jill Ireland isang Kristiyano mula sa Sarawak state on the Island of Borneo, nang sitahin siya noong 2008 ng isang custom officers sa paliparan ng Kuala Lumpur dahil sa CD na dala nito mula sa Indonesia na may titulong ‘Allah’.
Magugunitang ang ‘Allah’ ay ang tawag o pangalan ng mga Muslim sa kanilang Diyos at ang Malaysia ay itinuturing na isang Muslim country kung saan nasa 60% ng populasyon nito ay kaanib ng relihiyong Islam at 9.2% lamang ang mga Kristiyano.—sa panulat ni Agustina Nolasco