Kinalma ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko maging ang kaniyang mga kritiko makaraang hindi siya makita nitong nakalipas na linggo
Ayon sa Pangulo, dapat masanay na ang mga taga-Maynila na hindi siya nakikita dahil hindi siya sanay na inaalam ang kaniyang mga pinupuntahan
Iginiit pa nito na hindi sya na- coma bagkus ay nasa kama lamang sya ng mga panahon na hindi nakikita ng publiko.
Wala ring dapat ipag-alala ang publiko ayon sa Pangulo dahil mayroon naman aniyang Bise Presidente na hahalili sa kaniya sakaling may mangyaring masama sa kaniya.
“I’m not only trip somewhere. I cannot divulge it, I have to go there incognito”, pahayag ni Pangulong Duterte.
Paolo at Sara Duterte may paalala sa ama
Nakiusap si Presidential Son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte na magpahinga naman.
Sa pamamagitan ng social media ay nag-post si Paolo ng larawan ng kanyang caricature ng kanyang ama na kasuot ng superman costume.
Paalala naman ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa kanyang ama na mag – enjoy ngunit huwag uminom at parating maging ligtas.
By Jaymark Dagala / Rianne Briones