Pinagsusumite ng malakaniyang ang mga kritiko ng administrasyon hinggil sa magandang idea mga hakbangin para matugunan ang problema sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na puro puna lamang kasi ang alam ng mga kritikong ito sa halip na tumulong para maresolba ang problema.
Ayon kay Roque dapat na maipaabot na sa gobyerno ang anumang magandang idea ng mga kritiko upang maikunsider ng IATF.
Lahat naman aniya ay pinakikinggan at ikinukunsider ng administrasyon.